Nadakip ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG), Mindanao Field Unit (MFU) – Iligan Satellite Office, ang isang Most Wanted Person Ranked No. 10 Municipal Level na nahaharap sa 2 counts of Statutory Rape, sa isinagawang intelligence-driven police operation noong Oktubre 6, 2026, bandang alas-9:35 ng umaga, sa Sta. Felomina, Iligan City.

Isinagawa ang operasyon alinsunod sa Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 2, Iligan City, Lanao del Norte noong Setyembre 29, 2026 kaugnay ng Criminal Case Nos. 26-33500 at 26-33501, na parehong β€œno bail recommended”.

Ang pagkakaaresto ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PNP AKG na matunton at maaresto ang mga wanted person upang matiyak na sila ay mananagot sa harap ng batas. Sa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, wastong pagpaplano, at koordinasyon sa mga katuwang na police unit, patuloy na pinaiigting ng AKG ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest at paghahatid sa mga wanted person sa kaukulang proseso ng hustisya.

Alinsunod sa mga itinakdang pamamaraan, isinagawa rin ang booking, mugshot, at iba pang kinakailangang dokumentasyon sa PNP AKG MFU – Iligan Satellite Office. Ang naarestong indibidwal ay nananatili sa kustodiya ng Iligan Satellite Office habang hinihintay ang pagsasauli ng Warrant of Arrest sa issuing court.

Ang pagkakaaresto ay patunay ng matatag na paninindigan ng PNP AKG sa pagpapatupad ng batas, pangangalaga sa kaligtasan ng publiko, at pagtitiyak na ang mga taong may kinakaharap na seryosong kaso ay maiharap sa nararapat na proseso ng hustisya.

β€œLalong pagtitibayin ng PNP AKG ang mga intelligence-driven at lawful police operations laban sa mga wanted person, katuwang ang iba pang law enforcement units at ahensya, upang mapanatili ang seguridad ng mga pamayanan at matiyak na walang sinumang nagtatago sa batas ang makaiiwas sa pananagutan,” Ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.

#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice