Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang Wanted Person na nahaharap sa kasong Adultery sa isinagawang operasyon sa Ilaya, Dapitan City, Zamboanga del Norte noong Oktubre 6, 2026, bandang alas 9:50 ng umaga.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG Mindanao Field Unit (AKG MFU), katuwang ang Police Regional Office 9 (PRO 9), na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa Wanted Person.
Ang warrant ay inisyu ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC), 9th Judicial Region, Branch 1, Dipolog City noong Nobyembre 6, 2008, kaugnay ng Criminal Case No. 35369 para sa kasong Adultery, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng PhP12,000.00.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng PNP AKG-MFU ang naarestong wanted person habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korte na nag-isyu nito.
βWalang tigil ang masigasig na pagsisikap ng kapulisan sa pagtugis at pag-aresto sa mga wanted persons upang matiyak ang pagpapatupad ng batas at hustisya, Higit pang palalakasin ang mga hakbang tungo sa isang mas ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan,β PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
