Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang Regional Most Wanted Person Rank No. 4 na nahaharap sa kasong Murder sa isinagawang operasyon sa Barangay Dolores, Ormoc City, Leyte noong Oktubre 6, 2026, bandang alas 4:38 ng hapon.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG Visayas Field Unit (AKG VFU) Ormoc Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 8 (PRO
, na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa naturang wanted person.
Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 1, Dipolog City noong Oktubre 2, 2026 sa kasong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code na may Criminal Case No. R-ORM-26-0664 para sa kasong Murder, na walang rekomendasyon ng piyansa.
Matapos ang pagkakaaresto, ang wanted person ay nasa kustodiya ng PRO 8 para sa kaukulang disposisyon at iba pang legal na proseso, habang isinasagawa ang pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korteng naglabas ng nasabing warrant.
βAng pagkakaarestong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PNP AKG at mga katuwang nitong law enforcement units sa pagtugis sa mga wanted person at pagpapatupad ng mga kautusan ng hukuman, bilang bahagi ng kanilang mandato na mapanatili ang seguridad at maitaguyod ang paghahatid ng hustisya,β PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
