Dalawang wanted person na kapwa nahaharap sa kasong Death Caused in a Tumultuous Affray sa ilalim ng Article 251 ng Revised Penal Code ang naaresto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) sa magkahiwalay na operasyon sa Iligan City noong Oktubre 7, 2026.

Sa unang operasyon, dakong 9:34 ng umaga sa Purok Tag-ibo, Barangay Dalipuga, Iligan City, nagsagawa ng intelligence-driven police operation ang tracker team ng PNP AKG Mindanao Field Unit–Iligan Satellite Office (MFU-ISO), katuwang ang mga tauhan ng Iligan City Police Stations 3 at 4, na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang wanted person.

Ang pag-aresto ay isinagawa alinsunod sa Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 3, Iligan City, kaugnay ng Criminal Case No. 26-33429, noong Setyembre 16, 2026, na may inirekomendang piyansang nagkakahalagang PhP36,000.00.

Samantala, dakong 10:00 ng umaga sa Barangay Mahayahay, Iligan City, isinagawa ang ikalawang intelligence-driven operation na nagresulta naman sa pagkakaaresto sa isa pang wanted person na nahaharap din sa kaparehong kaso at saklaw ng nasabing Warrant of Arrest.

Ang magkahiwalay na operasyon ay bunga ng masusing pangangalap ng impormasyon at koordinadong pagkilos ng mga awtoridad, na nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PNP AKG na matukoy, matunton, at maaresto ang mga wanted person na may kinakaharap na mga kasong kriminal.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng PNP AKG ang dalawang naarestong wanted person habang hinihintay ang pagsasauli ng kani-kanilang Warrant of Arrest sa korte na naglabas nito.

β€œAng matagumpay na operasyon ay patunay na matatag na paninindigan ng PNP AKG sa intelligence-driven law enforcement, pagpapatupad ng mga kautusan ng korte, at paghahatid ng pananagutan sa ilalim ng batas. Ipinakikita rin nito ang determinasyon ng PNP AKG na tugisin at dalhin sa harap ng hukuman ang mga indibidwal na may kinakaharap na kasong kriminal upang maharap nila ang kaukulang proseso ng batas.” Ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.

#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice