Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang wanted person na nahaharap sa kasong Qualified Theft, sa isinagawang operasyon sa Sitio Lanao, Barangay Dao, Tagbilaran City, Bohol noong Oktubre 10, 2026, bandang alas 7:30 ng umaga.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG Visayas Field Unit (VFU)-Bohol Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office (PRO 7) sa pagpapatupad ng Warrant of Arrest laban sa nasabing akusado.
Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 1, Tagbilaran City, Bohol, noong Oktubre 9, 2026 sa kasong Qualified Theft na may Criminal Case No. 32225 na may inirekomendang piyansa na PhP24,000.00.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng PNP AKG-VFU and naarestong wanted person habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korte na nag-isyu nito.
βAng matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PNP AKG na ipatupad ang batas, isakatuparan ang mga warrant of arrest, at palakasin ang koordinasyon sa iba pang yunit ng kapulisan upang matiyak na ang mga wanted person ay maihaharap sa nararapat na hukuman upang sagutin ang mga kasong isinampa laban sa kanila,β PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
