Arestado ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang ama na kabilang sa Top 3 Most Wanted Person sa antas panlalawigan sa kasong Qualified Rape of a Minor, bandang alas-8:30 ng gabi noong Oktubre 15, 2026, sa Barangay Sto. NiΓ±o, Isabel, Leyte.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng AKG-Visayas Field Unit (VFU) β Ormoc Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 8 (PRO8). Ang pag-aresto ay batay sa warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC), Branch 35, Ormoc City, Leyte, sa ilalim ng Criminal Case No. R-ORM-26-0683-HC, para sa paglabag sa Article 266-A(1)(d), kaugnay ng Article 266-B(1) at (5) ng Revised Penal Code, na walang rekomendasyong piyansa.
βIpinapakita ng pagkakaarestong ito ang patuloy na pagsisikap ng PNP-AKG at ng mga katuwang nitong yunit na tugisin ang mga wanted persons at tiyaking naipatutupad ang mga kautusan ng hukuman, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso at pananamantala sa mga menor de edad.β PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
