Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) katuwang ang Police Regional Office 7 (PRO 7) ang isang 34-anyos na welder, Most Wanted Person Ranked No. 10 Provincial Level dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa isinagawang operasyon dakong alas-8:45 ng umaga noong Oktubre 17, 2026, sa Purok 2, Barangay Pondol, Loon, Bohol.
Isinagawa ng AKG-VFU Bohol Satellite Office ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng R.A. 9165, na nakatala sa Criminal Case Nos. 28120 at 28121 para sa service of sentence. Ang warrant ay inilabas noong Oktubre 16, 2026, ni Hon. Josephus Adel Baterna, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 49, Tagbilaran City, Bohol.
βPatuloy na magsasagawa ang PNP AKG ng mga target na operasyon laban sa mga wanted persons at makikipag-ugnayan sa iba pang yunit ng kapulisan upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng batas, habang iginagalang ang mga karapatan ng bawat indibidwal.β PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
