Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang 33-anyos na ama ng biktima na Top 1 Most Wanted Person sa antas ng lalawigan at munisipalidad dahil sa kasong Lascivious Conduct, sa isinagawang operasyon sa Barangay Carmelo, Banate, Iloilo, noong Oktubre 17, 2026, bandang alas 9:20 ng umaga.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG Visayas Field Unit (VFU)-Iloilo Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 6 (PRO 6) sa pagpapatupad ng Warrant of Arrest laban sa nasabing akusado.

Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 66, Barotac Viejo, Iloilo, noong Oktubre 16, 2026 sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may Criminal Case No. 13371 na may inirekomendang piyansa na PhP200,000.00.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Police Regional Office 6 (PRO 6) ang naarestong wanted person habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korte na nag-isyu nito.

β€œMananatiling nakatuon ang aming hanay sa pagtunton at pag-aresto sa mga wanted persons at kolaborasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak na makamit ng mga biktima ang hustisya,” PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.

#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice