Pinuri ni Chief Philippine National Police, PGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ, JR ang PNP Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) sa pamumuno ni PBGEN EDWIN C BALLES, sa matagumpay at tuloy-tuloy na operasyon laban sa kidnapping for ransom (KFR) sa bansa.
Ayon kay PGEN NARTATEZ, 5 na dayuhang biktima ang nasagip ng PNP AKG noong Septyembre 2026, habang 15 hinihinalang sangkot sa mga pagdukot ang natukoy na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na suspeks. Ang mga naturang suspeks ay kinabibilangan ng 2 na Pilipino at iba pang foreigners.
Mula Setyembre 25 hanggang 29, 2026 nagsagawa ang PNP AKG ng magkakaugnay na operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang mga syudad ng Tagaytay, Makati, at ParaΓ±aque. Ang maigting na operasyon at kolaborasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno ay nagdulot ng matagumpay na pagkakaaresto ng mga suspeks kaugnay ng kaso ng kidnapping for ransom, ligtas na pagsagip sa mga biktima, at ang pagsampa ng kaukulang reklamo laban sa mga naarestong suspeks.
Binigyang-diin ni PGEN Nartatez ang patuloy na pagsisikap ng PNP na tugisin ang mga sangkot sa kidnapping at tiyakin ang kaligtasan ng mga biktima.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
