Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang 45-anyos na ginang na wanted person dahil sa kasong Adultery sa isinagawang operasyon sa Bualan, Tubod, Lanao del Norte, ng noong Oktubre 21, 2026, bandang alas 9:55 ng umaga.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG Mindanao Field Unit (MFU) katuwang ang Police Regional Office 9 (PRO 9) sa pagpapatupad ng Warrant of Arrest laban sa nasabing suspek.
Ang warrant ay inisyu ng 9th Judicial Region, Municipal Trial Court in Cities (MTCC), Branch 1, Dipolog City, Zamboanga del Norte, noong Nobyembre 6, 2008 sa kasong Adultery na may Criminal Case No. 35369 na may inirekomendang piyansa na PhP12,000.00
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng AKG MFU ang naarestong wanted person habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korte na nag-isyu nito.
βPatuloy na isinusulong ng PNP AKG ang pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ang pagtugis sa mga wanted persons na walang pinipili o kinikilingan bilang bahagi ng pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.β PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
