Arestado ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang indibidwal na pinaghahanap ng batas kaugnay ng 6 counts ng paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, sa isang intelligence-driven police operation sa Barangay 1C, Quezon, Bukidnon, dakong alas-11:00 ng umaga noong Oktubre 21, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng PNP AKG Mindanao Field UnitβIligan Satellite Office matapos ang mga hakbang sa pangangalap ng impormasyon upang matukoy ang kinaroroonan at maaresto ang nasabing indibidwal.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 45, Malaybalay City, Bukidnon, noong Agosto 14, 2026. Ang anim na kasong kinahaharap ng akusado ay may kabuuang inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Apat na raan at tatlumpu’t dalawang libong piso lamang o PhP432,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP AKG MFU ang akusado habang hinihintay ang pagsasauli ng warrant of arrest sa hukuman na naglabas nito.
βPatuloy na isinusulong ng PNP AKG pagtugis sa mga wanted persons sa pamamagitan ng intelligence-driven operations upang matiyak na mapanagot ang mga lumabag sa batas at makamit ng mga biktima ang hustisya,β ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
