Isang 52-anyos na lalaki, magsasaka, at residente ng Barangay Dominga, Calinan District, Davao City na sangkot sa pagpatay ang naaresto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) sa isang operasyon sa nasabing lugar, bandang alas-11:15 ng umaga noong Oktubre 21,2026.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG Mindanao Field Unit (MFU) Davao Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 11 (PRO 11) sa pagpatupad ng warrant of arrest laban sa suspek kaugnay ng kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case No.98-009, na inilabas noong Hulyo 25, 2019 ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 18, Midsayap, Cotabato, na walang itinakdang piyansa.
Pansamantalang nasa kustodiya ng Davao City Police Office ang naturang suspek habang ininasagawa ang kaukulang proseso sa pagbabalik ng warrant of arrest sa korteng nag-isyu nito.
“Ang matagumpay na pag-aresto sa mga wanted persons ay patunay ng aming dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan ng ating bansa. Patuloy naming paiigtingin ang pagtugis sa mga wanted persons at maiharap sa batas upang makamit ng mga biktima ang hustisya.” ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
