Nadakip ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang 42-anyos na lalaki na matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong Frustrated Homicide sa Barangay Talamban, Cebu City, dakong alas-2:45 ng hapon noong Oktubre 27, 2026.
Isinagawa ng mga tauhan ng AKG Visayas Field Unit (VFU), katuwang ang Police Regional Office 7 (PRO 7) ang intelligence-driven operation upang ipatupad ang Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 23-0823. Inilabas ito noong Marso 9, 2012 ng Regional Trial Court, Branch 23, Roxas, Isabela, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng dalawampuβt apat na libong piso (PhP24,000.00).
Batay sa ulat, naganap ang insidente noong Agosto 2005 sa Barangay Sto. Domingo, Quirino, Isabela, kung saan ang biktima at isa pang indibidwal na dating opisyal ng barangay ay ilang ulit na sinuntok ng suspek saka umano iniwan sa isang madamong lugar.
Mula noon, nagpalipat-lipat ng lugar ang suspek upang magtago kalaunan, nagtrabaho siya bilang foreman sa lugar kung saan siya nadakip.
Matapos ang matagumpay na operasyon, dinala ang akusado sa punong tanggapan ng AKG VFU, Cebu City para sa kaukulang disposisyon at iba pang legal na proseso kabilang ang pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korteng pinanggalingan nito.
βPatuloy na paiigtingin ng PNP AKG ang pagtugis sa mga wanted persons sa pamamagitan ng intelligence-driven operations, aming binabalaan ang mga may pananagutan sa batas na ang pagtatago ay may hangganan.β Ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
