Matagumpay na naaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group β Mindanao Field Unit (AKG MFU), sa pamamagitan ng Iligan Satellite Office, ang Top 1 Municipal Most Wanted Person na nahaharap sa dalawang kaso ng panggagahasa sa isinagawang law enforcement operation noong hapon ng Hulyo 20, 2026, sa Lungsod ng Ozamiz, Misamis Occidental.
Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng AKG MFU Iligan Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 10βNorthern Mindanao.
Ang suspek, na may edad na tatlumpu, walang asawa, street food vendor, at residente ng Ozamiz City, Misamis Occidental, ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Hunyo 25, 2026 kaugnay ng dalawang bilang ng kasong Rape, na may Criminal Case Nos. R-CDO-26-02174-CR at R-CDO-26-02175-CR na inilabas ni Hon. Carolyn N. CasiΓ±o-Damasig, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 22, Cagayan de Oro City, na walang inirerekomendang piyansa.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng AKG MFU Iligan Satellite Office ang naarestong suspek habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant sa hukuman na nagpalabas nito at ang pagkumpleto ng lahat ng kinakailangang legal na proseso.
βAng matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng PNP AKG sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad kabilang ang pagpapahalaga sa kapakanan ng mga kababaihan. Patuloy kaming magsasagawa ng mga operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at maprotektahan ang mamamayan,β ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Acting Director, AKG.
#PNPAKG#MatatagNaSerbisyongNararamdaman#ProteksyongPangKomunidad#SaBagongPilipinasSerbisyongMabilisTapatatNararamdaman
Makakita ng Kaunti
