Matagumpay na naaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group – Mindanao Field Unit (AKG MFU), sa pamamagitan ng Iligan Satellite Office, ang isang akusado na nahatulan sa kasong Robbery sa isinagawang intelligence-driven law enforcement operation noong hapon ng Hulyo 22, 2026, sa Canitoan, Cagayan de Oro City.
Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng AKG MFU lligan Satellite Office sa pakikipag-ugnayan sa Police Regional Office 10-Northern Mindanao.
Ang suspek, na may edad na 36 anyos, isang pintor, at residente ng Canitoan, Cagayan de Oro City, ay inaresto sa bişa ng Warrant for Service of Sentence kaugnay ng Criminal Case No. CR-ORD-2015-252 para sa kasong Robbery, na nilagdaan at inilabas ni Hon. Mary Sheila Barazon Pestolante-Revelo, Presiding Judge, Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 24, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, na may petsang Mayo 6, 2026.
” Ang matagumpay na operasyong ito ay sumasalamin sa walang humpay na pagsisikap ng PNP Anti-Kidnapping Group sa epektibong pagpapatupad ng batas at panagutin ang mga nagkasala. Patuloy kaming magsasagawa ng mga operasyon upang mahuli ang iba pang may pananagutan.” ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Acting Director, AKG.
#PNPAKG#MatatagNaSerbisyongNararamdaman #ProteksyongPangKomunidad#SaBagongPilipinasSerbisyongMabilisTapatatNararamdaman
Makakita ng Kaunti
