Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PNP Anti-Kidnapping Group Visayas Field Unit (AKG VFU), Bohol Satellite Office ang isang Most Wanted Person na may kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa isinagawang operasyon bandang 8:00 ng umaga noong Hulyo 22, 2026 sa Bayugan City, Agusan del Sur.

Ang naaresto ay kinilala sa alyas na β€œMar,” 39 taong gulang, binata, karpintero, at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar. Siya ay nakatala bilang Top 2 Most Wanted Person sa antas pambayan at panlalawigan.

Ang pagkakaaresto ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Police Regional Office 13. Isinilbi ang Warrant of Arrest (WOA) para sa paglabag sa Section 5, Article II ng R.A. NO. 9165, na may Criminal Case No. 24709. Ang warrant ay inilabas ni Hon. Lindecita Cabaron Arcamo, Presiding Judge, RTC, Branch 1, Tagbilaran City, Bohol, na may petsang Setyembre 7, 2021, na walang rekomendadong pyansa.

Sa pahayag ni POLICE BRIGADIER GENERAL EDWIN C BALLES, Acting Director, PNP AKG, kanyang pinuri ang mga operatibang nagsagawa ng matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng mga yunit ng pulisya at sa komunidad sa pagtugis sa mga wanted person.

β€œAng matagumpay na operasyong ito, ay sumasalamin sa matatag na paninindigan ng PNP AKG sa pagpapatupad ng batas at sa patuloy na kampanya laban sa krimen kabilang ang laban sa ilegal na droga. Sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon sa mga ahensya, sisiguraduhin natin ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad,” ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Acting Director, AKG.

#PNPAKG#suportahanAngSistemaNghustisya#MatatagNaSerbisyongNararamdaman#MapanatiliAngKapayapaanAtKaayusan#SaBagongPilipinasSerbisyongTapatMabilisatNararamdaman 

Makakita ng Kaunti