Matagumpay na naaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group, Visayas Field Unit (AKG VFU), sa pamamagitan ng Iloilo Satellite Office, ang Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level na nahaharap sa kasong Syndicated Illegal Recruitment sa isinagawang pagsisilbi ng Warrant of Arrest noong Hulyo 23, 2026, bandang 10:45 ng umaga, sa Lungsod ng La Paz, Iloilo City.

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng AKG VFU Iloilo Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 10, Western Visayas.

Ang suspek, na may edad na 26 taong gulang, ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Syndicated Illegal Recruitment sa ilalim ng Section 6 ng Republic Act No. 8042, na may Criminal Case No. 26-98083 na inilabas ni Hon. Juana Judita Patriarca Panigbatan-Nafarrete, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 38, 6th Judicial Region, Iloilo City, bilang inamyendahan, na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 38, Iloilo City, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng PhP120,000.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 2, Iloilo City Police Office ang naarestong akusado habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant sa hukuman na nagpalabas nito at ang pagkumpleto ng lahat ng kinakailangang legal na proseso.

β€œPatuloy na paiigtingin ng PNP AKG ang pagtugis sa mga lumalabag sa batas nang may propesyonalismo at paggalang sa karapatang pantao. Tinitiyak namin ang integridad at kaayusan sa bawat operasyon. Sama-sama nating itaguyod ang kapayapaan sa tulong ng inyong pakikipagtulungan.” ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Acting Director, AKG.

#PNPAKG#AntiKidnappingGroup#WarrantOfArrest#MostWanted#WantedPerson#SyndicatedIllegalRecruitment#LawEnforcement#PublicSafety#JusticeServed#CrimePrevention#SafeCommunities#Kapayapaan#Kaayusan#Katarungan#BagongPilipinas

Makakita ng Kaunti