Matagumpay na naisilbi ng mga kawani ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang Warrant of Arrest sa dating pulis na kumakaharap sa kasong Robbery. Ang pagsisilbi ay base sa Warrant of Arrest (WOA) na isinilbi noong hapon ng Hulyo 20, 2026. Ang naturang Warrant ay inilabas ni Hon. Rosanna Fe Romero-Maglaya, Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 88, Quezon City na may Criminal Case No. R-QZN-19-11884-CR, na may petsang Agosto 30, 2019 at may rekomendadong piyansa na PhP100,000.00.
Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City. Bilang background, ang naturang suspek ay nauna nang naaresto ng PNP-AKG sa kasong Kidnapping for Ransom at nananatili sa kustodiya habang hinihintay ang paglabas ng Commitment Order mula sa hukuman.
Binigyang-diin ni PBGEN BALLES na:
“Ang matagumpay na pagsisilbi ng Warrant of Arrest ay patunay ng matatag na pagpapatupad ng batas ng PNP AKG. Patuloy kaming kikilos nang may integridad at propesyonalismo upang isulong ang katarungan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.”
#PNPAKG#suportahanAngSistemaNghustisya#MatatagNaSerbisyongNararamdaman#MapanatiliAngKapayapaanAtKaayusan#SaBagongPilipinasSerbisyongTapatMabilisatNararamdaman
Makakita ng Kaunti
