Naaresto ng mga operatiba ng PNPβAntiβKidnapping Group ang isang wanted person na may kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o ang AntiβViolence Against Women and Their Children Act of 2004. Ang operasyon ay isinagawa noong Hulyo 17, 2026, ganap na 3:50 PM, sa Purok 5, Barangay Bingag, Dauis, Bohol.
Ang inarestong indibidwal ay isang 23βanyos na welder, residente ng Purok 4A, Barangay Tiptip District, Tagbilaran City, Bohol, na may nakabinbing Criminal Case No. 31874 at may rekomendadong piyansa na β±36,000.00.
Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng AKGβVisayas Field Unit, Bohol SubβOffice para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kinakailangang legal na proseso.
βAng operasyong ito ay patunay ng matatag na proteksyong pang-komunidad at serbisyong nararamdaman at mula sa PNPβAKG. Nananatiling handa ang aming Unit na kumilos laban sa anumang banta sa seguridad ng kababaihan at kabataan,β ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Acting Director, AKG
#PNPAKG#SuportadoAngKapakananNgKababaihan#MatatagNaSerbisyongNararamdaman#ProteksyongPangKomunidad#SaBagongPilipinasSerbisyongTapatMabilisatNararamdaman
Makakita ng Kaunti
