Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng PNP Anti-Kidnapping Group ang isang wanted person na may kasong Frustrated Murder sa isinagawang intelligence-driven police operation bandang 12:39 ng tanghali noong Hulyo 20, 2026 sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ang naarestong indibidwal ay isang 19-anyos na binata, magsasaka, at residente ng Barangay Sinanglanan, Malaybalay City, Bukidnon, na may nakabinbing Criminal Case No. 48952-26 at may rekomendadong piyansa na PhP120,000.00.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng AKG-Mindanao Field Unit, Iligan Satellite Office para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kinakailangang legal na proseso.

β€œAng matagumpay na operasyong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng PNP AKG na suportahan ang sistema ng hustisya at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng walang humpay na pagtugis sa mga taong may kinakaharap na kaso sa batas.” ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Acting Director, AKG.

#PNPAKG#suportahanAngSistemaNghustisya#MatatagNaSerbisyongNararamdaman#MapanatiliAng KapayapaanAtKaayusan#SaBagongPilipinasSerbisyongTapatMabilisatNararamdaman 

Makakita ng Kaunti