Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group-Visayas Field Unit (AKG-VFU), Bohol Satellite Office, ang isang Wanted Person sa kasong Qualified Theft. Isinagawa ang operasyon noong Setyembre 2, 2026 bandang 7:15 ng gabi sa Barangay Dagohoy, Bilar, Bohol, katuwang ang tauhan ng Police Regional Office 7. Kinilala ang naaresto na isang 28 anyos na lalaki, walang asawa, construction worker, residente ng nasabing lugar.
Ang nasabing Warrant of Arrest na may Criminal Case No. TCR-2026-15720 na may petsang Agosto 17, 2026 ay inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 66, Dipolog City, Zamboanga del Norte na may nirerekomendang piyansa na nagkakahalagang PhP40,000.00.
Napag-alaman na ang naarestong wanted person ay kolektor ng isang lending company na kung saan ay hindi nai-remit ang kaukulang halaga ng kanyang koleksyon. Pansamantalang nasa kustodiya ng PNP AKG Visayas Field Unit ang naturang wanted person, habang hinihintay ang pagbabalik ng Warrant of Arrest sa nag-isyung korte.
βPatuloy na paiigtingin ng PNP AKG ang mga operasyon laban sa mga wanted persons at sa mga lumalabag sa batas sa anumang uri ng krimen, ito ay upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at interes ng publiko,β ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
Makakita ng Kaunti
