Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG), sa pamamagitan ng Visayas Field Unit (VFU) – Iloilo Satellite Office, katuwang ang Police Regional office 6 (PRO 6) ang isang Top 1 Municipal-Level Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Statutory Rape.

Isinagawa ang pag-aresto dakong 11:10 ng umaga noong Setyembre 5, 2026, sa Barangay Zone 2, Sta. Barbara, Iloilo, matapos isilbi ng mga operatiba ang Warrant of Arrest laban sa akusado para sa kasong Statutory Rape, alinsunod sa Article 266-A(1), in relation to Article 266-B ng Revised Penal Code, na nakadokumento sa Criminal Case No. 26-98414.

Ang naarestong indibidwal ay 23 taong gulang, lalaki, binata, college graduate at residente ng Brgy. Conaynay, Sta. Barbara, Iloilo.

Ang naturang warrant ay inisyu noong Setyembre 4, 2026 ng Family Court, 6th Judicial Region, Branch 5, Iloilo City, na walang nirekomendang pyansa.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Sta. Barbara MPS-Iloilo PPO ang naarestong akusado habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa pagbabalik ng Warrant of Arrest sa issuing court.

β€œAng paghahanap at pag-aresto sa mga wanted persons ay mananatili upang matiyak na ang bawat lumalabag sa batas ay mananagot. Sa pamamagitan ng mas pinaigting na operasyon at koordinasyon sa mga katuwang na law enforcement agencies, mananatiling matatag ang PNP AKG sa pagtataguyod ng hustisya, pagpapanatili ng kaayusan, at pagprotekta sa mga mamamayan,” ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, D, AKG.

#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice

Makakita ng Kaunti