Matagumpay na nadakip ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG), sa pamamagitan ng Visayas Field Unit (VFU) β Ormoc Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 13 ang isang Top 1 Regional-Level Most Wanted Person na nahaharap sa kasong Qualified Rape at tatlong (3) counts ng Qualified Rape by Sexual Assault sa isinagawang operasyon sa Barangay Banahaw, Lianga, Surigao del Sur, dakong alas-1:30 ng hapon noong Setyembre 3, 2026.
Kinilala ang nadakip na suspek na isang 54 taong gulang na lalaki, may kinakasama, magsasaka, at residente ng Barangay Barugo, Albuera, Leyte.
Ang pagdakip ay batay sa bisa ng mga Warrant of Arrest may petsang Oktubre 23, 2024 para sa kasong Qualified Rape, na may Criminal Case No. B-24-10-147, na walang inirekomendang piyansa, at tatlong (3) counts ng Qualified Rape by Sexual Assault, na may Criminal Case Nos. B-24-10-144, B-24-10-145, at B-24-10-146, na may inirekomendang kabuuang piyansa na nagkakahalagang PhP600,000.00.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Albuera MPS-Leyte PPO ang nadakip na suspek habang hinihintay ang pagbabalik ng mga Warrant of Arrest sa issuing court.
Patuloy na paiigtingin ng PNP AKG ang pagtugis sa mga wanted persons, katuwang ang ibat-ibang Law Enforcement Agencies at ang komunidad upang matiyak na ang mga taong lumabag sa batas ay mapanagot.
βAng pagkakadakip sa Top 1 Regional-Level Most Wanted Person ay patunay na walang sinuman ang makapagtatago sa batas. Patuloy naming paiigtingin ang pagtugis sa mga wanted persons upang ang hustisya ay makamit ng mga biktima at managot ang mga lumalabag sa batas,β pahayag ni PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
Makakita ng Kaunti
