Matagumpay na naaresto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG), sa pamamagitan ng Visayas Field Unit (VFU) – Bacolod Satellite Office, ang isang Wanted Person dahil sa paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act No. 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, sa Negros Occidental.

Ang naarestong indibidwal ay 33 taong gulang, lalaki, binata, walang trabaho, at residente ng Barangay Consing, Enrique B. Magalona, Negros Occidental.

Matagumpay na naisilbi ng mga tauhan ng AKG-VFU Bacolod Satellite Office ang Warrant of Arrest laban sa nasabing indibidwal bandang 5:00 ng hapon noong Setyembre 4, 2026, sa Barangay Consing, Enrique B. Magalona, Negros Occidental. sa kasong Other Acts of Child Abuse sa ilalim ng Section 10(a) ng R.A. No. 7610, na nakasampa sa Criminal Case No. 16774-69, na may petsang Setyembre 2, 2026, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang PhP80,000.00.

Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Enrique B. Magalona Municipal Police Station (MPS) Negros Occidental, habang hinihintay ang pagsasauli ng Warrant of Arrest sa korte na naglabas nito.

β€œPatuloy na paiigtingin ng PNP Anti-Kidnapping Group ang mga operasyon laban sa mga lumalabag sa batas, kabilang ang mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata. Mananatiling nakatuon ang PNP AKG sa pagprotekta sa mga kabataan, sa pagsusulong ng ligtas at mapayapang komunidad para sa lahat,” ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, D, AKG.

#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice

Makakita ng Kaunti