Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group-Mindanao Field Unit (AKG-MFU), ang Top 10 Municipal Level Most Wanted Person sa kasong Panggagahasa (Rape) sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, sa isinagawang operasyon noong Setyembre 1, 2026, bandang 9:30 ng umaga sa Burgos, Dapitan City, Zamboanga del Norte, katuwang ang tauhan ng Police Regional Office 9. Kinilala ang naaresto na isang 58 anyos na lalaki, walang asawa, walang trabaho, residente ng nasabing lugar, at tiyuhin ng biktima.
Ang nasabing Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 25797 na may petsang Setyembre 29, 2022 ay inilabas ng Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, Ninth Judicial Region, Branch 7, Dipolog City, Zamboanga del Norte na walang nirekomendang piyansa.
Ang naarestong wanted person ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP AKG Mindanao Field Unit, habang hinihintay ang pagbabalik ng Warrant of Arrest sa nag-isyung korte.
โPatuloy ang PNP AKG sa mas pinaigting na operasyon laban sa mga wanted persons. Bahagi nito ang pagsisikap na matunton ang mga taong may pananagutan sa batas upang ang hustisya ay makamit ng mga biktima,โ ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
Makakita ng Kaunti
