Arestado ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang Top 5 Most Wanted Person, Municipal Level na nahaharap sa kasong Rape by Sexual Assault, sa isinagawang pagsilbi ng Warrant of Arrest sa Sitio Casamata, Barangay Central, Ajuy, Iloilo, dakong alas-9:00 ng umaga noong Oktubre 1, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG-VFU Iloilo Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 6 (PRO 6).

Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 70, Barotac Viejo, Iloilo, na may petsang Setyembre 30, 2026, kaugnay ng Criminal Case No. 2026-13365 para sa kasong Rape by Sexual Assault, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang PhP120,000.00.

Matapos ang operasyon, ang naarestong akusado ay itinurn-over sa Police Station 9, Iloilo City Police Office, para sa kaukulang kustodiya at mga susunod na legal na proseso, kabilang ang pagsasauli ng Warrant of Arrest sa korte na nag-isyu nito.

β€œNapakahalaga ang matatag na kolaborasyon sa ating partner agencies upang mapaigting ang ating kampanya sa pagtugis sa mga wanted persons, maasahan po ninyo ang patuloy na paghahanap ng aming yunit sa mga taong may pananagutan sa batas upang makamit ng mga biktima ang hustisya,” PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.

#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice