Sa pamamagitan ng pinaigting na operasyon, naaresto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG), Mindanao Field Unit (MFU), ang isang wanted person na nahaharap sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(B) ng Republic Act No. 7610, at Qualified Rape of a Minor sa ilalim ng Article 266-A(1), kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code as amended.

Isinagawa ang pag-aresto dakong 4:00 ng hapon noong Oktubre 6, 2026, sa Purok Gemilina, Barangay Malubal, RT Lim, Zamboanga Sibugay, alinsunod sa Warrant of Arrest (WOA) na inilabas ng Regional Trial Court, 9th Judicial Region, Branch 29, San Miguel, Zamboanga del Sur, na may petsang Hunyo 19, 2026.

Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang lokal na himpilan ng pulisya at sa 106th Infantry Battalion, Philippine Army. Ipinakita ng nasabing operasyon ang kahalagahan ng maagap na koordinasyon at pagtutulungan ng mga law enforcement agencies sa pagtunton at pag-aresto sa mga wanted persons.

Saklaw ng nasabing warrant ang Criminal Case Nos. 2026-102 at 2026-103. Para sa kasong paglabag sa Section 5(B) ng R.A. No. 7610, itinakda ang PhP200,000.00 na inirekomendang piyansa, habang walang inirekomendang piyansa para sa kasong Qualified Rape of a Minor.

Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa pansamantalang kustodiya ng PNP AKG Mindanao Field Unit, habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korte.

β€œAng naturang operasyon ay patunay ng patuloy na pinaigting na manhunt operations, intelligence-driven law enforcement, at koordinasyon ng PNP AKG at mga katuwang na ahensya upang matiyak na ang mga wanted person ay matutunton, maaaresto, at maiharap sa kaukulang proseso ng batas.” Ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.

#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice