Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang Wanted Person na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 14, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa isinagawang operasyon sa Poblacion, Cotabato City noong Oktubre 4, 2026, bandang alas 7:00 ng umaga.
Isinagawa ng mga tauhan ng AKG Mindanao Field Unit Cotabato Satellite Office (AKG MFU-CSO), katuwang ang PRO 12 sa pagpapatupad ng Warrant of Arrest laban sa nasabing suspek.
Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 16, Kabacan, Cotabato, kaugnay ng Criminal Case No. 12-245, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang PhP80,000.00.
Batay sa rekord, ang akusado ay naaresto noong 2019 sa Kabacan, Cotabato, matapos umanong i-raid ang isang bahay na pinaniniwalaang drug den na kung saan kabilang ang suspek na natagpuan sa loob ng naturang bahay. Pagkatapos ng 4 na buwang pagkadetine, ang naturang suspek ay nakapagpiyansa para sa kanyang paglaya.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng PNP AKG-MFU ang naarestong wanted person habang isinasagawa ang kaukulang proseso para sa pagbabalik ng Warrant of Arrest sa korte na nag-isyu nito.
βAng pagsisikap at determinasyon ng PNP AKG sa pagtugis at pag-aresto sa mga wanted persons at iba pang may pananagutan sa batas ay isa sa aming prayoridad. Patuloy ang aming pagpupursigi upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa ating bansa,β PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
