Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang wanted person na nahaharap sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, sa isinagawang operasyon sa Calauan, Laguna noong Oktubre 7, 2026, bandang alas 4:20 ng hapon.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng AKG Legal and Luzon Field Unit (AKG LFU) na nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa naturang wanted person.
Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 107, Fourth Judicial Region, Los BaΓ±os City Laguna noong Oktubre 6, 2026 sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code na may Criminal Case No. 01637-2026-LB na may inirekomendang piyansa na PhP108,000.00.
Ang naturang kaso ay isinampa kaugnay ng reklamo na kinasasangkutan ng isang Witness Protection Program (WPP) protected person at kanyang anak, sa koordinasyon at tulong ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC).
Matapos ang matagumpay na pagkakaaresto, ang naarestong wanted person ay dinala sa PNP AKG Headquarters, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City, para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa umiiral na proseso.
βAng matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng PNP AKG na matiyak ang pagpapatupad ng batas, mapanagot ang mga lumalabag dito, at maprotektahan ang mga biktima at kanilang mga pamilya. Patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang mga operasyon laban sa mga Wanted Persons bilang bahagi ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at hustisya sa bansa,β PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#pnpakg#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
