restado ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang 39-anyos na lalaki dahil sa kasong Qualified Theft, bandang alas-9:00 gabi noong Oktubre 26, 2026, sa Barangay San Jose, San Miguel, Iloilo.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga tauhan ng AKG-Visayas Field Unit (VFU) – Iloilo Satellite Office, katuwang ang Police Regional Office 6 (PRO 6). Ang pag-aresto ay batay sa warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC), Branch 26, Iloilo City, noong Oktubre 23, 2026 sa ilalim ng Criminal Case No. 26-98924, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng apatnapung libong piso (PhP40,000.00).
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Miguel Municipal Police Station, Iloilo, ang suspek habang hinihintay ang pagsasauli ng warrant of arrest sa hukuman na naglabas nito.
βPatuloy na isinusulong ng PNP AKG ang maigting na pagtugis sa mga wanted persons upang maipatupad ang batas at mapanagot ang mga nagkasala at magsilbing babala na ang pagsasamantala sa tiwala ay may kaukulang parusa,β ayon kay PBGEN EDWIN C BALLES, Director, AKG.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
