Isinilbi ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang warrant of arrest noong Oktubre 28, 2026, dakong alas 3:50 ng hapon, laban sa isang 32 anyos na Malaysian national dahil sa paglabag sa Section 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang nasabing Malaysian national ay dati nang naaresto dahil sa paglabag sa RA 9165 at mga batas sa imigrasyon.
Pinangunahan ng AKG Luzon Field Unit (LFU), sa pakikipag-ugnayan sa Police Regional Office 5 (PRO5), ang pagsilbi ng warrant of arrest. Ang sinasabing warrant ay inilabas ng Regional Trial Court ng Irosin, Sorsogon, 5th Judicial Region, Branch 55, noong Oktubre 23, 2026, kaugnay ng Criminal Case No. 2026-3927.
βPatuloy nating titiyakin na naipatutupad ang mga kautusan ng hukuman at nasusunod ang mga itinakdang legal na proseso. Ang PNP AKG ay mananatiling nakatuon sa pagpapatupad ng batas, pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang yunit, at pagsusulong ng pananagutan alinsunod sa umiiral na mga batas,β pahayag ni PBGEN BALLES.
#AKG#ToServeAndProtect#OnePNP#ToSaveLives#ServiceHonorJustice
